Sa mga nakaraang linggo, napuno ng takot at pangamba ang ating mga kababayan lalo na nang magsimulang tumaas ang bilang ng confirmed patients na tinamaan ng COVID-19. Sa katunayan, agad na kumilos ang pamahalaan upang ito ay mapigilan. Isa na nga sa naging hakbang ng gobyerno ay ang implementasyon ng Enhanced Community Quarantine o ECQ. Pinayuhan ang lahat na manatili sa kanilang mga tahanan upang matigil ang local transmission ng sakit. Ngunit kasabay rin ng ECQ ay umusbong ang mga tunay na bayani ng bansa, ang mga frontliner.
Sa laban na kinakaharap ng frontliners, tunay nga namang hindi ito magiging madali. Kung kaya naman, sinigurado ng Glorious Industrial Development Corporation na maipahatid nila ang kanilang buong suporta para sa ating mga bagong bayani. Namahagi sila ng kanilang mga produkto, partikular na nga ang Glorious Blend. Siniguro ng GIDC na ito ay makararating sa mga ospital, military and police checkpoints, maging sa mga local government unit (LGUs) na naglilingkod para sa bayan. Batid sa mga mukha ng mga nakatanggap ang labis na tuwa. Ito marahil ay dulot na rin ng ideya na alam nilang mayroong mga mabubuting loob ang nasa likod nila sa laban na ito.
Ang aksiyong ito ay hindi na bago mula sa GIDC. Sa katunayan, naibahagi na rin namin noon ang halos hindi mabilang na kawang-gawa ng kompanya para sa mga taong higit na nangangailangan. Sa katunayan, sa bawat produktong kanilang naipagbibili, naibabalik nila ito sa mga magsasaka ng GIDC sa pamamagitan ng scholarship programs at marami pang iba.
Ngunit ano nga ba ang kahalagahan ng hakbang na ito ng GIDC? Mula sa aking personal na pananaw, naniniwala ako na ang ganitong klaseng gawain mula sa GIDC ay tunay na kahanga-hanga at makapangyarihan. Bakit? Sapagkat sa mga ganitong inisiyatibo ay siguradong nakakapag-eenganyo sila ng iba pang malalaking kompanya upang tularan ang ganitong gawi. Hindi ba’t tunay na mas magiging maganda ang takbo ng ating pamumuhay kung ang lahat ay magtutulungan lalo na sa mga panahong tulad nito na may krisis.
May kasabihan nga tayo, “you are blessed to be a blessing”. Katulad ng hakbang na ito ng GIDC, nawa’y magsilbi itong inspirasyon para sa kung sino man na nagnanais makapaghatid ng tulong sa ating mga kababayan. Maliit man o malaki, tiyak natin na ang bawat inisiyatibo ay makapaghahatid ng ngiti at pag-asa para sa mga kababayan natin na nangangailangan.
Mabibili ang GIDC products sa Mercury Drug, PureGold, Watsons, Generika, Shopwise, Robinsons Supermarket, Unimart, Fishermall, Rustans, Landmark, Cash & Carry at marami pang iba – nationwide. Para sa dagdag na kaalaman, maaaring bisitahin ang kanilang website: http://www.gidc.com.ph o tumawag sa (02) 8360-0900. EDWIN CABRERA